Bilang ako ay dating Iska ng Unibersidad ng Pilipinas, naisip ko gumawa ng isang nilalaman (content/entry) na ang lenggwahe ay Filipino. Nawari ko na isa pala itong mahirap na gawain pero pwede naman gumamit ng mga hiram na salita, tama?
At ngayon, hindi ko na alam kung paano pa ito itutuloy. Hahaha. Biro lang, akin pa ring susubukan.
Ngayon ay ang 'Lantern Parade' ng UP. Talagang nagpaalam pa ako sa aking opisina kung pwede akong umuwi ng maaga ngayong araw. Buti naman at pumayag ang aking napakabait na manager.
Dahil maaga pa lang ay nasa UP na ako, napag-pasyahan ko na dumaan muna sa bahay ng aking mga magulang. Laking tuwa ko nang makita ko ang walong tuta na tuwang tuwa ako makita. Siyempre, nandun pa rin si Ozzy, ang aking paboritong black lab, at si Nanuk, ang mini pinscher ng aking kapatid.
Nung papunta na ako sa Quezon Hall, sumama sa'kin si Nanuk at laking takot ko at ng iba pang tao nung siya ay tumakbo at muntikan pang masagasaan. Salamat at wala naman nangyaring masama kundi magagalit na naman sa'kin ang buong pamilya ko.
Nakarating din naman ako sa Quezon Hall ng maaga-aga at marami rin kaming nakitang mga kolehiyo na dumaan sa aming harapan. Pagdating ng alas-8, napakarami nang tao. Napagod na rin kami at nagpasya kaming umuwi na. Narito ang ilan sa mga larawang aking nakuha. Paumanhin kung hindi gaanong maganda ang kalidad ng mga litrato dahil gamit ko lamang ang camera ng aking Blackberry.
|
UP College of Human Kinetics |
|
UP Alumni Association |
|
The crowd at 5:45PM |
|
The crowd at 5:45PM |
|
UP College of Arts and Letters |
|
with someone from the UP College of Arts and Letters |
|
UP College of Arts and Letters |
|
UP College of Education |
|
UP Integrated School |
|
uhm, I forgot what the Tamaraw is, FEU? Joke! |
|
UP NISMED (?) |
|
UP Asian Institute of Tourism |
|
UP Asian Institute of Tourism |
|
UP College of Home Economics |
|
UP College of Engineering |
|
UP College of Mass Communication |
|
The crowd by 7pm |
|
The crowd by 7pm |
|
UP Open University |
|
Students of Destiny (parang isa sila sa pinaka-magastos. Isang truck para sa "float" at isang truck para sa malaking generator. |
Ayos ba? Feeling ko ang dating ko ay may pagka-makata at hindi natural na ganito ako makipag-usap. Hahaha. At least masasabi kong sinubukan ko. (Mahirap talaga. Dito ako nag-nosebleed!)